UNFOLD ILLUMINATI- TAGALOG
Ang Illuminati (plural - Latin illuminatus, 'naliwanagan') ay isang pangalan na ibinigay sa ilang mga grupo na pinaniniwalaang kapwa tunay at kathang isip lang. Ayon sa kasaysayan, ang pangalan ay karaniwang tumutukoy sa Bavarian Illuminati, isang lihim na samahan ng “Enlightenment-era” na itinatag noong 1 Mayo 1776 sa Bavaria, ngayon bahagi ng Alemanya ( Germany ). Ang mga layunin ng samahan ay tutulan ang mga pamahiin, obscurantism, impluwensya sa relihiyon, at mga pang-aabuso sa kapangyarihan ng estado. " Isinulat nila sa kanilang pangkalahatang mga batas, ang "is to put an end to the machinations of the purveyors of injustice, to control them without dominating them." Ang Illuminati — kasama ang Freemasonry at iba pang lihim o iba pang samahan — ay ipinagbawal sa pamamagitan ng utos ni Charles Theodore, Elector ng Bavarian na may panghihikayat ng Simbahang Katoliko, noong 1784, 1785, 1787, at 1790. Sa mga sumusunod na ilang taon, ang grupo ay pinangalanan n